kahirapan
PAKSA:KAHIRAPAN
PAMAGAT: PAANO MASUSUGPO ANG
KAHIRAPAN ?
Ang kahirapan ay isa sa mga problema
na dapat tutukan ng ating pamahalaan. Ngunit paano ba ito makokontrol o
maiiwasan kung ang mga taong dapat o may tungkulin upang sugpuin ang kahirapan
ay sila din yung isa sa mga dahilan kung bakit tayo ngayon ay naghihirap ?
Maraming tao ang naghihirap sa panahon ngayon. May kakayahan ba tayong mga
ordinaryong tao para sugpuin ang kahirapan na nararanasan mismo ng ating bansa
? Sa panahon ngayon marami ang mga taong walang trabaho. Ang kawalan ng trabaho
ay isa sa mga sanhi kung bakit ang bansa
natin ay naghihirap . Sadya ba talagang ganito ang buhay nating mga tao
? Ang pamahalaan ang may malaking obligasyon para masugpo ang kahirapan. Sa
ating na o-obserbahan na marami sa ating mga kabataan ang kapos sa pinag-aralan
kaya mahirap sa kanila ang humanap ng mabuting trabaho. Marami rin sa mga
kabataan ngayon ang lulong sa ipinagbabawal na druga ! kaya mas lalong
naghihirap ang ating bansa sa panahon ngayon. Paano ba ito masusugpo ? simple
lang dapat tutukan ito ng pamahalaan at mas lalong paigtingin
ang kampanyalaban sa mga dahilan kung bakit tayo ay naghihirap.
Unangsanhi, ay kawalan ng edukasyon
paano ba ito matutu-unan ng pansin ? Napapansin natin ngayon marami sa ating
mga kabataan ang kapos sa pag-aaral kaya dahilan rin ito kung bakit mahirap sa
kanila ang humanap ng magagandang trabaho kaya dapat pagtuunan ito ng pansin ng
pamahalaan, bigyan ng librengedukasyon ang mga kabataan para naman may sapat na
kaalaman sila para magkaroon at humanap ng magandang trabaho at hindi na sila
maghihirap. Pangalawang sanhi, pagkalulong ng mga tao sa ipinagbabawal na
druga sa ating napapansin ngayon bata
man o matanda, mahirap man o mayaman ay lulong sila sa druga isa itong sanhi
kaya tayo o ating bansa ay naghihirap ngayon. Pangatlong sanhi ang
pinakalala na sanhi ay angKURAPSYON na
nararanasan ng ating bansa ngayon. Kurapsyon ang sanhi kung bakit ang ating
bansa ay naghihirap, kung bakit natin nararanasan ang kahirapan. Marami ang
kurapt na tao kadalasan sa kanila ay nakauposa mataas na posisyon ng
pamahalaan. Ina-abusonila ang kanilangkapangyarihan, ginagamitnila ang
kanilangkapangyarihan upang gamitin sa pangungurapt sa bayan. Kadalasan sa
kanila ay kumkuha ng pundo sa kaban na bayan para sa kanilangsarilingkabutihan.
Hindi man nilainiisip na sa kanilangginagawa ay mas lalong naghihirap ang
bansangkanilangpinagseserbisyohan. Hindi man lang nilanaiisip na sa kanila
nagtiwala ang taong bayan. Kaya marami sa atin ang mas pinili ang mahiwalay sa
kanilangmahal na pamilya para lang magtrabaho sa ibang bansa, para lang
maiwasan ang kahirapan at masustintuhan ang pangangailangan ng bawatpamilyang
Pilipino.Karapadapat lang na tayong mga ordinaryong tao ay gumawa ng hakbang
para masugpo ang problema ng kahirapan. May karapatan tayo para kumilos upang
pigilan at manguna para masugpo ang kahirapan. Hindi dapat tayo umasa sa mga
taong nasa pamahalaan kasi mapipili lang yung mga taong tapat at totoo sa
kanilang tungkulin sa pamahalaan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento